Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi maaantala ang distribusyon ng cash aid sa low-income families sa National Capital Region.
Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, napagkasunduan ng Metro Manila Council na simulan ang pamamahagi ng ayuda kahapon kabilang na ang lungsod ng Maynila.
Mayroon ring mga karagdagang tauhan ng DSWD at DILG na idineploy sa lahat ng distribution sites sa lungsod upang i-supervise ang payout ng Manila Department of Social Welfare at masiguro ang maayos na sistema ng pamamahagi ng cash assistance.
Habang ang mga kinatawan naman ng government agencies na miyembro ng joint monitoring and inspection team ang ipinakalat sa lahat ng distribution points sa ibang LGUs upang i-monitor ang pamamahagi ng ayuda.
Sinabi pa ni Malaya na titiyakin ng DILG, DSWD, at DND ang maayos na distribusyon ng financial asistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo.—sa panulat ni Hya Ludivico