Nasa Alert level 0 na o normal na ang estado ng Bulkang Pinatubo.
Ito’y ayon sa Phivolcs ay matapos ang tuluyang pagbaba ng earthquake activity at bumalik sa tinatawag na baseline seismic parameters.
Mula Hulyo 1 hanggang Agosto 11, nasa 104 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Pinatubo o dalawa hanggang tatlong events kada araw.
Samantala,naitala ang 141 volcanic earthquake sa taal volcano sa nakalipas na 24 oras habang nananatili ito sa Alert level 2 .
Mayruon ding mga pagyanig na naitatala kada dalawa hanggang 30 minuto.