Kumpirmasyon ng matagal nang sinasabi ng mga senador hinggil sa mga kapalpakan at pagkukulang ng Department of Health sa pagtugon sa pandemya.
Ito ayon kay Senador Francis Kiko Pangilingan ang pinatutunayan ng report ng Commission on Audit (COA) hinggil sa hindi maayos na paggamit ng DOH sa mahigit P67 bilyon na pondo para sa laban kontra COVID-19 na dahilan din kayat itinuturing ang Pilipinas bilang worst performer sa COVID-19 response sa buong Western Pacific Region.
Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na maaaring kailangang kumuha ng DOH ng mahusay na tao na mangangasiwa sa pagbili at pag deploy ng medical supplies.
Dahil lumilitaw aniya sa COA report na hindi nabili ang P2 bilyong halaga ng mechanical ventilators at walumput walong X-ray machines na kailangan ng COVID-19 patients gamit ang naturang pondo.