Inatasan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang kaniyang mga tauhan para sagutin ang lahat ng mga findings ng Commission On Audit (COA).
Tiniyak ni Duque na agad nilang isusumite ang mga dokumentong kailangan ng COA para malinis ang mga kwestyunableng paggastos ng pondo ng ahensya.
Gayunman, humingi si Duque ng kaunting pang-unawa dahil ang DOH aniya ang frontline agency sa lahat ng ahensya ng gobyerno ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa.
Laging nagkakasakit ang ating mga tao. May iba pang mga namatay, may nagqu-quarantine. Hindi naman as if tayo’y nasa normal na sitwasyon. Lahat ito’y ginagawa natin under the state of public health emergency. Kagaya ngayon, meron na naman tayong rumaragasang COVID-19. So, konting unawa naman at ang DOH makakasiguro po kayo na makiki-cooperate ‘yan at bukas ang tanggapan namin.
Ang tinig ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam ng DWIZ.