Sasampahan na ng kasong murder ang Barangay Security Officer na bumaril sa isang curfew violator sa Maynila.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, dapat ay magsilbing paalala ito sa mga barangay tanod at iba pang public servant na sumunod lang sa tamang pagpapatupad ng health protocols ngayong may pandemya.
Kasabay nito, inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng alkalde na ipagbawal sa mga barangay tanod ang paghawak ng anomang armas habang naka duty ang mga ito.
Sabado ng gabi, nasawi ang isang curfew violator na sinasabing mayroong sakit sa isip matapos barilin ni Cesar Panlaqui ng Barangay 156 Tondo, Maynila.
Depensa ni Panlaqui, nabaril niya ang biktima bilang self defense dahil palapit umano sa kaniya ito na may dalang patpat.