Ibinunyag ni Makati City Mayor Abby Binay na mayroong “oversupply” ng COVID-19 vaccine sa ilang partikular na priority groups sa lungsod habang mayroong “undersupply” ng bakuna sa mga kabilang sa A4 category o economic frontliners.
Halimbawa ani Binay, anomang bakuna na galing sa CoVax facility, batay sa kanilang panuntunan ay dapat na ilaan lamang sa A1, A2, A3 at A5.
Ang mga healthcare frontliners ay kabilang sa A1 habang ang mga senior citizen ay nasa ilalim ng A2 category. Nasa A3 at A5 naman ang mga persons with comorbidities at indigent populaton.
Ngunit, sa Makati aniya ay malaki ang populasyon ng nasa ilalim ng A4 na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng bakuna kontra COVID-19.
Kaya lumalabas umano na may usapin dito ng over at undersuplay depende sa kung anong kategorya ka nabibilang.
Marami aniyang bakuna para sa mga category A1, A2, A3 at A5 pero kulang ang suplay para sa mga nasa A4.