Inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na isailalim na sa MECQ mula ECQ ang Laguna, Iloilo City at Cagayan De Oro City simula sa Lunes, Agosto 16 hanggang Agosto 31.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing nasa ilalim rin ng MECQ ang Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal Province, Aklan, Iloilo Province at Lapu-Lapu City, Mandaue City at Cebu City.
Hanggang Agosto 22 naman mananatili sa pinakamahigpit na quarantine classification ang lalawigan ng Bataan.
Samantala, ilalagay sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions mula august 16 hanggang 31 ang ilocos sur, cagayan, quezon at batangas sa region 4A at Naga City sa Luzon, Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6 at Negros Oriental at Cebu para sa Visayas, Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao Del Norte, Davao Occidental at Davao De Oro sa Region 11 at Butuan City para sa Mindanao.
Bukod pa ito sa Baguio City ,Santiago City, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occiental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Davao Oriental, Davao Del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surgao Del Norte, Surigao Del Sur, Dinagat Islands at Cotabato City.
Nasa ilalim din ng GCQ simula ngayong araw na ito hanggang 31 ang lalawigan ng Tarlac.
Ang iba pang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ simula Agosto 16 hanggang 31. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)