Iginiit ng Philippine Statistics Authority ang pagkilala ng mga ahensya ng gobyerno at private entities sa National ID cards bilang valid proof of identity.
Kasunod na rin ito ng mga reklamong natatanggap ng PSA kaugnay sa pagtanggi ng mga bangko na tanggapin ang national ID cards.
Sinabi ni Deputy National Statistician Assistant Secretary Rose Bautista na posibleng ang kawalan ng pirma sa mga nasabing card na itinuturing na security feature ang dahilan nang pagtanggi ng mga bangkong tanggapin ang mga ito bilang proof of identity lalo pat madaling napepeke ang mga lagda.
Ayon kay Bautista,nagkasa na sila ng webinars sa financial institutions para maresolba ang usaping ito.
Nasa 28 milyong Pilipino na ang nakapag parehistro ng kanilang biometrics na ikalawang proseso ng registration para sa national ID kung saan 700k na ang naide-deliver.