Nanawagan ang grupo ng mga manggagawa ng P5K ayuda para sa mga naaapektuhan ang hanap-buhay sa ipinatupad na ECQ sa NCR.
Ayon kay Elmer Labug ng Kilusang Mayo Uno, kabilang sa mga dapat bigyan ng ayuda ay mga mahirap na pamilya, tsuper, tindero/tindera at iba pang hindi nakapag-hanap-buhay dahil sa ECQ.
Ang limang libong piso aniya na ito ay sapat lamang sa dalawang linggong lockdown period.
Giit pa ni Labug, dapat ibinigay ang ayuda sa mga benepisyaryo nito bago ipinatupad ang ECQ.