Magpupulong ang grupo ng mga gobernador sa bansa para pag-usapan ang isyu sa pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga lalawigan.
Ayon kay governor Rodito Albano ng Isabela, na galit na ang kanyang mga kasamahang gobernador dahil lumalabas na mas maraming bakuna ang inilalaan sa Metro Manila habang kakaunti naman sa kani-kanilang mga lugar.
Giit pa ni Albano na sa lalong madaling panahon ay magpapatawag sila ng meeting sa mga kasamahang opisyal sa League of Provinces of the Philippines (LPP).
Sa datos, ayon kay Albano na sa kanilang lalawigan ay nasa 10 porsyento pa lamang ng populasyon nila ang nababakunahan kontra COVID-19.
Kaugnay nito, sinabi ni Albano na lagi siyang tumatawag kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., na dagdagan pa ang ipinadadalang suplay ng COVID-19 vaccines.