Nananawagan na ng dagdag na doktor at nurses ang ospital ng Biñan sa Laguna.
Ito’y ayon kay Dr .Melbril Alonte, medical director ng ospital ay para tulungan ang mga COVID-19 patients dahil pagod na pagod na ang mga doktor at nurses nila bagama’t hindi naman sila aniya susuko sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Sinabi ni Alonte na puno ang buong ospital kung saan 50 kama ang inilaan sa COVID-19 patients, subalit umaabot na sila sa isandaan hanggang dalawandaang pasyente ng COVID 19.
Ipinabatid ni Alonte na mabilis na lumala ang kondisyon ng mga pasyente ngayon kumpara sa mga naunang kaso ng COVID-19 kung saan ilang araw lamang ay gumaganda na ang sitwasyong pang kalusugan ng pasyente.
Kasabay nito, inihayag ni Alonte na tuloy pa rin naman sila sa pagtanggap sa non-COVID-19 patients.