Maituturing na immoral at illegal ang ginagawang ” vaccine hopping” o ‘yung paglipat sa ibang lungsod ng mga indibidwal na fully vaccinated na para maturukan ng booster shots.
Ito ang binigyang-diin ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. Matapos ang kumalat na mayroong dalawang indibidwal sa Quezon City ang sinampahan ng kaso matapos tumanggap ng ikatlong bakuna.
Ani Galvez, hindi dapat sinasayang ang mga bakuna lalo na’t target ng pamahalaan na marami ang mabakunahang Pilipino.
Bukod dito, ikinasama ng loob ni Galvez ang naturang insidente dahil marami pa tayong kababayan sa malalayong lugar ang hindi pa nabibigyan ng first dose habang ang ilan ay nasa ikatlong dose na.
Magugunitang, ang naturang mga indibidwal ay fully vaccinated na ng Sinovac vaccine kung saan nagpaturok ng booster shot na Pfizer at Moderna vaccine.