Sumirit na sa 1,608,528 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,720 na bagong recoveries o katumbas ng 92.45% recovery rate mula sa 1,741,616 na total infections.
Nagkaroon naman ng 14,749 na mga bagong kaso dahilan upang sumampa sa 102,748 ang active cases.
Dahil naman sa 270 na bagong fatalities, umakyat na sa 30,340 ang bilang ng mga nasawi sa buong kapuluan.