May potensyal bilang variant of concern ang Lambda variant na unang nakita sa bansang Peru ayon isang Infectious Disease Expert.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, kapareho ng Delta variant na unang nakita sa bansang India ang Lambda variant mutation.
Nitong Hunyo 14, inihanay ng World Health Organization (WHO) ang Lambda variant bilang variant of interest.
Ayon pa kay Dr. Solante, ang nasabing variant ay mas nakahahawa at may laban sa bakuna kagaya ng nakita sa Delta at Alpha na nasa variant of concern na rin. —sa panulat ni Rex Espiritu