Natunaw na ang binabantayang Low Pressure Area sa Philippine Area of Responsibility alas-2 kahapon.
Kaya naman easterlies na ang nakaaapekto sa Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Maari itong magdulot ng flash floods at landslide habang malakas ang pag-uulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Asahan naman ang maulap na papawirin na may isolated rainshowers na maari ring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.—sa panulat ni Rex Expiritu