Naglabas ng memorandum ang Bureau of Internal Revenue o BIR para paalalahanan ang mga social media influencers na magbayad ng kanilang tax obligations.
Ayon sa memorandum, may mga ulat umano na hindi sila nakarehistro sa ahensya o nakarehistro sa ibang uri ng tax types o linya ng negosyo.
Ayon sa BIR, ang mga social media influencer ay mga kumikita bilang isang bloggers o video bloggers sa iba’t ibang social networking sites gaya ng Youtube at Facebook.
Kasama rin sila sa income tax, value added tax at maituturing din na self-employed individuals.
Aabot naman sa mula kalahating milyon hanggang isang milyong piso ang multa at hindi bababa sa isang taon pero hindi hihigit sa 10 taon ang magiging kaparusahan ng mga hindi magbabayad ng kaukulang buwis.