Pumalo na sa 21,767 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), 36 ang naitalang bagong kaso ng Pilipinong nahawaan ng COVID-19.
Iniulat rin ng DFA na mayroong 45 bagong gumaling sa sakit kung kaya’t umakyat na sa 12,603 ang total recoveries.
Pito naman ang nasawi dahil sa virus dahilan para umabot na sa 1,332 ang total deaths.
7,832 naman ang naitalang bilang ng mga Pilipino na nagpapagaling.
Naitala ang mga COVID-19 cases sa 101 bansa at teritoryo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico