Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na i-prayoridad ang kompensasyon at iba pang benepisyo ng mga healthcare worker.
Tiniyak ito ni Pangulong Duterte bilang tugon sa bantang mass resignation ng medical frontliners mula sa mga pribadong ospital dahil sa hindi pag-release ng kanilang Special Risk Allowance o SRA
Hindi aniya dapat matakot si Duque sa Commission On Audit ( pagdating sa liquidation sa halip ay sundin na lamang ang kanyang utos maging ng iba pang cabinet member lalo’t nasa gitna ng emergency ang bansa.
Una nang nilagdaan ng pangulo ang administrative order 42 na magbibigay ng P9 bilyon COVID-19 SRA sa mga private at public health worker na may direct contact sa mga COVID-19 patient.
By the way itong frontliners, unahin mo na lang if there is enough money bayaran mo, saka iyong medicine utangin mo. Huwag mo sundin ang COA, p******** COA , COA na ‘yan. Iyan ang ayaw ko flagging flagging its create …pati na alam mo political season na ngayon kanya-kanyang banat, ” pahayag ni Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino