Iminungkahi ng isang mambabatas sa pamahalaan na bumuo ng task force para tutukan ang kinahaharap na problema ng bansa hinggil sa haze mula sa Indonesia.
Ayon kay House Committee on Metro Manila Development Chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo, dapat i-mobilize ng gobyerno ang lahat ng resources nito para masolusyunan ang kumakalat epekto ng haze lalo’t unti-unti na itong nararamdaman sa Metro Manila.
Kasunod nito, hinimok ni Castelo ang DOH, DOST at DENR na maglatag ng kaukulang plano upang mabigyan ng ibayong babala ang publiko sa epektong dulot ng haze.
Hindi aniya dapat balewalain ang haze dahil malaki ang epekto nito hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya ng bansa.
By Jaymark Dagala