Inaasahan nang magsisimula sa bansa ang pag-aaral kaugnay sa “mix and match” ng COVID-19 vaccines ngayong buwan.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani, Vaccine Expert Panel, ang Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology ang magsasagawa ng pag-aaral.
Maliban sa limang bakuna kontra COVID-19 ang kabilang sa pag-aaralan, isa pang vaccine brand ang nagpahayag ng interes para makasama sa gagawing pag-aaral.
Layon ng pag-aaral na matugunan ang limitadong suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.