Tiwala ang manufacturer ng anti viral drug na Molnupiravir na makakakuha ng approval bilang posibleng gamot sa COVID-19 at mailabas na ito sa publiko sa taong ito.
Ayon kay Dr. Mary Ann Galang-Escalona ..Country Medical Lead ng Merck Sharp&Dohme (MSD) sa Pilipinas ang timeline ay naka depende sa findings ng clinical trial at interim analysis ng global team.
Ang Molnupiravir ay dinivelop ng msd sa Amerika at Canada at Ridgeback Biotherapeutics LP at target na makakuha muna ito ng emergency use authorization sa Amerika bago ikalat sa iba pang bansa.
Sinabi ni Escalona na nasa ikatlong yugto na ng clinical trials ang Molnupiravir sa Lung Center of the Philippines kung saan mayroong 15%.
Inihayag ni Lung Center Emergency Room at COVID 19 Triage Task Force Chief Dr. Randy Castillo na “promising” o may positibo ang resulta base sa paunang resulta ng clinical trials.
Magsisimula na rin ang clinical trial ng Molnupiravir sa Quirino Medical Memorial Center kung saan sampung pasyente ang kakailanganin.