Iginiit ng Commission on Audit na nawalan ng oportunidad ang Department of Health na gamitin ang P67.3-B COVID-19 response funds upang mapaganda ang healthcare system ng bansa.
Sa congressional hearing, inihayag ni Commission on Audit supervising auditor Rhodora Ugay na marami sanang nagawa ang DOH sa nasabing pondo.
Ayon kay Ugay, kung naging maayos lamang sana halimbawa ang paggamit sa P11.89-B unobligated funds ay magkakaroon ito ng epekto sa episyenteng healthcare services ngayong may pandemya.
Ito aniya sana ang pagkakataon upang maisaayos ng DOH ang healthcare system na maaaring naantala bunsod ng delayed procurement.—sa panulat ni Drew Nacino