Nakipagpulong ang hari ng bansang Malaysia sa mga political parties nitong Martes.
Iyan ay para sa paghahanap sa susunod na prime minister isang araw matapos magbitiw sa puwesto si dating prime minister Muhyiddin Yassin dahil sa isyu ng politika.
Sinuspindi ni haring Abdullah Sultan Ahmad Shah ang eleksyon sa nasabing bansa dahil sa pandemya, ibig sabihijn nito ay nasa kanya ang desisyon kung sino ang susunod na mamahala sa gobyerno base pa rin sa kung sino ang mayroong pinakamaraming suporta.
Kinokonsidera naman ng oposisyon ang kanilang leader na si Anwar Ibrahim na pumalit kay Yassin.—sa panulat ni Rex Espiritu