Humihingi ng dagdag na pondo ang Department of Health (DOH) para sa Special Risk Allowance (SRA) at hazard pay ng healthcare workers sa gitna pa rin ng pandemya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, buwan ng Abril nang mag request sila sa dbm ng dagdag na pondo o nasa P3.6 bilyon para sa sra ng healthcare workers.
Hinihintay nila aniya ang tugon ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanyang fund request at kapag naipalabas na ay kailangang dumaan pa sa proseso.
Una nang nagbanta ang mga grupo ng health workers na magsasagawa ng mass resignation kapag hindi pa naibigay ang kanilang mga benepisyo.