Easterlies pa rin ang nakaapekto sa weather system sa buong bansa.
Kaya asahan ang maulap na papawirin na may kasamang isolated rainshower at mga thunderstorm sa buong Kamaynilaan at natitirang bahagi ng bansa.
Maari naman itong magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa kasasagan ng malalakas na pag-uulan.
Asahan naman ang 16 to 24 degrees celcius na temperatura sa Baguio City, 23 to 33 degrees celcius naman sa Cagayan De Oro City habang 26 to 32 degree celcius naman ang asahan sa Metro Cebu at Puerto Prinsesa City ngayong araw.—sa panulat ni Rex Espiritu