Hinihikayat ng ilan mamababatas ang Comelec na muling ikonsidera ang kanilang desisyon kaugnay sa hindi pagapapalawig ng voter’s registration.
Nauna nang binanggit ng ahensya na base sa boto ng karamihan sa en banc ay hindi na nila palalawigin ang registration period para sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay house deputy speaker at Cagayan De Oro representative Rufus Rodriguez, mahirap aniya para sa mga nais bumoto ang ginawang hakbang ng Comelec dahil oras lang ang kanilang pinalawig at hindi ang deadline.
Tutol din ang ilang miyembro ng makabayan bloc sa desisyon ng Comelec.
Ani representative France Castro ng Act Teacher’s Partylist, inaalisan ng Comelec ng karapatan ang mga Filipino na bumoto dahil sa nasabing hakbang.
Umapela rin ang Kabataan Partylist na ma-extend ang voter’s registration.—sa panulat ni Rex Espiritu