Maari nang ikonsidera ng mga mayor ng Metro Manila na isailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR.
Ayon iyan kay government adviser Dr. Ted Herbosa
Aniya, mahalaga rin na mag-implement na lamang ng localized ECQ sa mga lugar na mayroong matataas na kaso ng COVID-19.
Kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila na inaasahang magtatapos sa Agosto 20.
Dagdag pa ng tagapayo na kung siya ang namumuno sa IATF ay isasailalim na niya sa MECQ ang NCR at mas paiigtingin na lamang ang localized lockdown, testing, at contact tracing sa mga lugar na lubhang apektado ng virus, para hindi napapahamak ang mga lugar na kaunti lang ang kaso ng virus na naitatala.
Isinailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine dahil sa tumataas na kaso ng delta variant.
Ayon naman kay Presidential spokesperson Harry Roque na asahang ibababa ang quarantine classification ngayong araw, Huwebes.—sa panulat ni Angelo Baino