Posibleng payagan na muli ng Department of Health ang home quarantine sa gitna ng patuloy na paglobo ng mga bagong kaso ng COVID-19 bansa.
Nilinaw ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na noon pa naman ay may panuntunan na sa home quarantine depende sa kondisyon.
Ayon kay Vergeire, sa home quarantine, kailangan may sariling kuwarto, comfort room, walang kasamang nakatatanda o mga bantad sa sakit tulad ng mahina ang immune system.
Regular din dapat aniyang nababantayan ng mga barangay health worker ang mga naka-home quarantine.—sa panulat ni Drew Nacino