Tumaas sa 1.54 ang COVID-19 reproduction number sa Pilipinas mula sa dating 1.50.
Sa pinakahuling national COVID-19 report, sinabi ng OCTA research group na tumaas ang bagong kaso ng COVID-19 ng 41 percent mula sa 9,088 noong Agosto 4 hanggang 10, hanggang sa 12,788 cases mula Agosto 11 hanggang 17.
Ikinukonsidera na ng OCTA na nasa critical level ang 12 lugar sa bansa, dahil sa bilis ng hawaan ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Tuguegarao City, Muntinlupa City, Gen. Trias Cavite, Malabon City, Las Piñas City, Tanza, Cavite, Cebu City, Bacoor Cavite, Meycauayan, Bulacan, Cagayan De Oro City, Taguig City at Cabuyao, Laguna.