Mahigpit na tinututukan ng Islamic Scholars sa buong mundo ang ipatutupad na Shariah Law sa Afghanistan.
Ayon ito kay Atty. Habbas Camendan, Chairman ng Bangsamoro Mindanao People’s Peace Movement, matapos makubkob ng taliban fighters ang Afghanistan
Sinabi ni Camendan na sakaling sistema ng ISIS on high extremism ang ipatupad. malayo ito sa Islamic law na sinusunod sa iba’t ibang bansa tulad ng Saudi Arabia, Libya, Syria at Iran.
Batid aniya ng Islamic countries na ang Taliban ay nagmula sa Al Qaeda ni Osama Bin Laden at naging ISIS na nasa likod naman ng mga madudugong krimen.
Kaugnay nito, inihayag ni Camendan na tila nasayang ang pagtulong ng amerika sa loob ng dalawang dekadang kampanya kontra terorismo sa nasabing bansa dahil hindi pa rin nauubos ang mga terorista kahit napatay na si Bin Laden.
Binigyang diin ni Camendan na pinangangambahang maging breeding ground ng mga teroristag organisasyon ang afghanistan at posibleng gumawa ng state sponsored terrorism dahil hawak na ng Taliban ang Afghanistan.