Kinuwestyon ng Commission On Audit ang Pag-ibig fund sa pagbili nito ng 21 kotse para kanilang mga opisyal nang walang pahintulot ng Office of the President (OP).
Batay sa 2020 audit report ng COA, nagkakahalaga ang mga sasakyan ng P36.35 milyon sa ilalim ng 2015 car plan ng pag-ibig na ipinagkaloob sa kanilang mga head at Vice-President ng ahensya.
Nagkakahalaga ang mga sasakyan ng P800,000 hanggang P1.8 milyon bawat unit kung saan kalahati ng presyo nito ay babayaran ng opisyales sa pamamagitan ng salary deduction.
Natuklasan ng COA na ang naturang transaksyon ay walang pahintulot mula sa OP at taliwas sa Presidential Decree 1597, memorandumorder 20 at OP Executive Order 7.
Nilinaw naman ni Pag-ibig Fund Vice President for Public Relations Kalin Franco-Garcia na hindi kailangan ng basbas ng OP dahil sa umiiral na “car plan reduction benefits” at para lamang sa bago o pagtaas ng benepisyo ang paghingi ng pahintulot sa OP.—sa panulat ni Drew Nacino