Dinepensahan ni Dumper Ptda Party-List Representative Claudine Diana Bautista ang magarbo niyang kasal sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bautista, ilang taon na nilang pinag-planuhang mag-asawa ang nasabing kasal sa Balesin Island.
Aminado ang kongresista na nasaktan sila sa kinahinatnan ng kanilang pag-iisang dibdib lalo sa mga inabot nilang batikos.
Nanindigan din si Bautista na ginagawa naman niya ang kanyang tungkulin bilang mambabatas at sa katunayan ay tinutugunan din niya ang pangangailangan ng mga PUV driver.
Halimbawa na lamang anya ang pagbabakuna sa 18k PUV drivers at pagbibigay ayuda sa mga ito mula sa DSWD at DOLE.—sa panulat ni Drew Nacino