Labis ang pagkadismaya ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa nabistong pandaraya sa mga ipinamamahaging ayuda sa kanilang lungsod.
Ito’y makaraang maaresto ng Pasig City Police ang 18 indibiduwal dahil sa ECQ ayuda fixing sa Brgy. Kalawaan kahapon.
Ayon kay Sotto, walang puso ang mga ganitong uri ng tao dahil sa kawalang malasakit sa kanilang kapwang higit na nangangailangan.
Kasunod nito, pinaiimbestigahan na rin ni Sotto sa Pasig PNP kung may kahalintulad na insidente ng ECQ ayuda fixing sa iba pang mga Barangay sa lungsod.
Una rito, ikinakasa na ng Pasig PNP ang kasong kanilang isasampa laban sa mga naaresto na kinabibilangan ng 2 evaluator, 8 non Pasig residents at 8 non-Brgy. Kalawaan residents. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)