Dapat alisin sa health department ang responsibilidad sa pamamahagi ng ayuda at benepisyo para sa mga health workers.
Ito ang iminungkahi ng ilang senador na kung maaaring Local Government Units (LGUs) na lamang ang magbigay ng tamang benepisyo sa mga health worker sa tamang panahon.
Ipinabatid naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kailangan pag-aralan na ibigay ang responsibilidad at budget ng special risk allowance (SRA) sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil naging maayos naman ang pagbibigay nito ng ayuda sa mga manggagawa.
Sinang-ayunan naman ni Senator Imee Marcos na ilipat sa ibang ahensya ang trabaho ng DOH hinggil sa pagbibigay ng benepisyo sa mga health worker.
Samantala, may alinlangan rin si Marcos kung ililipat ito sa DOLE kung saan tambak na rin ang trabaho.