Hindi na i-eextend pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline ngayong araw na ito sa pagtanggap ng application para makapag-isyu ng special permits sa mga bus na uubrang bumiyahe ngayong Undas.
Ipinabatid ni LTFRB Chairman Winston Ginez na pumapalo na sa 960 units ang na isyuhan ng special permits upang makapagbiyahe sa araw mismo ng mga patay.
Tiwala si Ginez na sasapat na ang mga bibiyaheng bus para sa mga commuter na mag-Uundas sa mga lalawigan.
By Judith Larino