Inilabas na ng Comelec ang panuntunan nitong ipatutupad sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa halalan sa susunod na taon.
Sang-ayon sa naturang kautusan ang pagpapatupad ng ‘COVID-19 preventive measures, health and safety protocols’ sa araw ng filing ng COC mula aprimero ng Oktubre hanggang 8.
Ibig sabihin, kailangang panatilihin ang pagsunod sa umiiral na social distancing protocols kontra COVID-19.
Hindi na rin papayagan ang mga nakasuot ng cloth o valved mask.
Bukod pa rito, inatasan ang mga kandidato na hanggang dalawang escorts lamang ang papayagang makasama maliban sa mga kakandidatong Presidente, Bise Presidente at maging sa mga Senador na hanggang sa tatlong escorts ang papayagan.
Sa huli, iginiit ng Comelec na sinomang hindi susunod sa mga inilatag na health protocols ay agad na palalabasin sa tanggapan ng Comelec.