Tuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila kahit pa ibinaba na sa MECQ mula sa ECQ ang quarantine classification nito simula ngayong araw na ito.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, mananatili sa 8pm to 4am ang curfew samantalang pupuwede na ang outdoor exercises mula alas-6 hanggang alas-9 lamang ng umaga.
Una na ring siniguro ng DOTR na walang mababago sa pag-biyahe ng mga pampublikong sasakyan kahit pa MECQ na ang Metro Manila.