Nasawi sa kumplikasyon sa COVID-19 ang kapatid ni dating Senador Antonio Trillanes, IV.
Inanunsyo mismo ng dating senador sa kaniyang twitter account ang pagkamatay ng 51 anyos niyang kapatid na si Antonio “Tiny” Trillanes , III.
Ilang linggo na ring nakalipas nang sumakabilang buhay ang ina ng dating senador na si Estelita Fuentes Trillanes, 87 taong gulang dahil sa kumplikasyon naman mula sa Advanced Parkinson’s condition.