Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sakripisyo ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na nagpabago sa landas ng bansa kasabay ng paggunita ng Ninoy Aquino Day.
Sa isang pahayag, muling sinariwa ng Punong Ehekutibo ang alaala at legacy ng yumaong senador.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahalagang kilalanin ang pamana ni Aquino sa pamamagitan nang pagpapamalas ng kakayahang isakripisyo ang pansariling interes para sa kapakanan ng mas nakararami.
Matatandaang nilikida si Ninoy noong Agosto 21, 1983 habang pumanaw naman ang anak nitong si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa karamdaman noong Hunyo 24,2021.