Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinapayagan na ang individual outdoor exercises sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng mas maluwag na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, batay kasi sa IATF omnibus guidelines ay maaaring gumawa ng nasabing aktibidad ang mga tao habang umiiral ang MECQ.
Ngunit nilinaw ni Abalos na bagama’t pupuwede na ang outdoor exercises sa NCR ay depende pa rin ito sa mga lokal na pamahalaan kung ipatutupad nila ang eksaktong mga limitasyon o magtatakda ng oras para sa mga naturang aktibidad.