Itinaas na ng PAG-ASA sa severe tropical storm si Isang habang papalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan si isang sa 560km. sa northeast Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95km/hr malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 115km/hr.
Samantala, makararanas naman ang Metro Manila ng mainit at asahan na rin ang pagulan at pagkulog at pagkidlat sa dakong hapon.
Wala naman naitalang warning signal at walang epekto sa ibang bahagi ng bansa.
Ang bagyong isang ay inaasahang lalabas ng PAR mamayang hapon base na rin sa direksyong tinatahak nito.