Patuloy na ginagamit ng Health Department ang P59-B na unspent funds nuong nakaraang taon.
Ito ay ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III ginagastos ang naturang pondo para sa pagpapasweldo ng medical workers at pagbili ng mga gamot.
Sinabi pa ni Duque, na nasa P24.6-B ang tinatawag na unobligated funds habang P17.8-B naman ang kasalukuyang ginagamit para sa taong 2021.
Magugunitang, inihayag ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2020 Annual Audit Report na nabigo ang Department of Health na gamitin ang P59.12-B sa kanilang 2020 Budget.