Mistulang natulala si Jinkee Pacquiao sa pagkatalo ng asawang si senador Manny Pacquiao via unanimous decision kay Cuban welterweight fighter Yordenis Ugas.
Bagaman nakasuot ng face mask, hindi maitatago sa mga mata ni Jinkee ang labis na pagkalungkot matapos talunin ni Ugas ang kanyang mister na si Pacman sa kanilang WBA welterweight championship match kahapon.
Ilang beses ding nahagip ng camera ang tila pagkadismaya sa mukha ni ginang Pacquiao hanggang matahimik na lamang nang i-anunsyo na ni Jimmy Lennon Junior ang resulta ng laban.
Nagwagi si Ugas at napanatili ang WBA super welterweight championship belt. —sa panulat ni Drew Nacino