Inanunsyo ni Laguna Governor Ramil Hernandez nitong linggo ng gabi na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa isang social media post, sinabi ni hernandez na nalaman niya ang resulta ng kanyang COVID-19 test result noong Sabado at kasalukuyang naka-home quarantine.
Aniya, nakararanas lamang siya ng mild symptoms.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng gobernador na hindi matitigil ang serbisyo ng lokal na pamahalaan at patuloy siyang magtatrabaho habang nagpapagaling.
Pinayuhan naman ni Hernandez ang mga residente na mag-ingat at sumunod sa health protocols, at magpabakuna kontra COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico