Isinailalim sa GCQ with heightened restrictions ang buong lalawigan ng Zambales mula nitong Sabado, Agosto 21, at hindi binanggit kung hanggang kailan ito iiral.
Alinsunod ito sa Executive Order na nilagdaan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr.
Sa ilalim nito, ang curfew hours sa lalawigan ay mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5ng umaga.
Ipatutupad rin ang mandatory COVID-19 swab tests sa inbound travelers.
Ang pagsasailalim sa GCQ status with heightened restrictions ay dahil sa tumataas na COVID-19 cases sa lalawigan.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico