Nanawagan ng cash donations ang Hospicio De San Jose Orphanage sa Maynila matapos maiulat ang 80 kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng mga bata at mga tauhan nito.
Ayon kay Maria Socorro Pilar Evidente, bumilis ang pagdami ng kaso ng virus ngayong buwan sa bahay-ampunan at hindi na aniya nila ma-trace ang pinagmulan nito.
Sa nasabing bilang, dalawa ang severe cases habang ang 78 iba pa ay gumagaling na.
Sinabi pa ni evidente na kailalangan din nilang isailalim sa COVID-19 testing ang 40 symptomatic na indibidwal na kinabibilangan ng mga senior citizen.
Dahil dito, nangangailangan sila ng cash donations upang pakainin ang nasa 450 residente.