Bumubuo na ng plano ang Department of Health (DOH) na mga bagong rekomendasyon para makontrol ang pagdami pa ng mga dinadapuan ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOH Usec. Rosario Vergeire na ito ang tinatawag nilang re-strategizing na layong paigtingin ang mga hakbang ng pamahalaan para makontrol ang pagtaas ng mga kaso ng virus.
Dagdag pa ni Vergeire na kakaunting pag-aaral at protocols na lamang ay maisasapinal na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-apruba sa panibagong estratihiyang ito.
Paglilinaw ng DOH na hindi lamang ang kagawaran ang bumubuo dahil katuwang nito ang Data Analytics Group ng IATF, iba’t ibang goverment agencies at ecomomic cluster. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)