Gagamitin na ng DOH ang sarili nitong pondo para mabayaran ang special risk allowance ng mahigit dalawampung libong health workers na hindi pa nabibigyan ng kanilang benepisyo.
Sinabi ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang saving ng ahensya na P311 milyon ay ilalaan sa pagbabayad ng SRA ng mga pampubliko at pampribadong health workers.
Hindi pa naman aniya ito pinal dahil kailangan pang hintayin ang final list na isusumite ng facilities at regional office ng DOH para matukoy ang eksaktong bilang at kung magkano talaga ang kailangan bayaran.