Target na rin ng Department of Finance na patawan ng buwis ang kita sa online play-to-earn games.
Ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tionko, kabilang sa sinisilip nila ng Bureau of Internal Revenue ang axie infinity, isang adventure online game na gawa ng Vietnamese studio sky mavis, na hindi rehistrado sa Pilipinas.
Sa larong ito, kikita ang mga manlalaro sa pamamagitan ng crypto currencies na maaaring ipalit sa currency ng bansa.
Pero bago makapaglaro, kailangang bumili ang player ng tatlong digital pets na tinatawag na “axies” na ginagamit upang labanan ang mga character sa laro.
Aminado naman si Tionko na hindi pa tukoy ng Securities and Exchange Commission at Bangko Sentral ng Pilipinas ang “characterization” ng nasabing online game.
Tinatayang P250 lamang ang “axie” subalit dahil naging popular ngayong may pandemya, umaabot na sa P33,000 ang kada digital pet. —sa panulat ni Drew Nacino