Pinapayagan nang magpaturok ng COVID-19 vaccine sa ibang lungsod ang mga residente ng Metro Manila.
Ito, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang napagkasunduan ng mga lokal na pamahalaan batay sa hirit ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro upang makamit ang herd immunity sa rehiyon.
Dapat anyang makakuha muna ng schedule at QR code ang mga nais magpabakuna.
Plano rin ngmga LGU sa NCR na gawin ito sa mga karatig-lugar tulad ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Magkakaroon din ng iisang COVID vaccination registration sa NCR lalo’t tumatawid ng ibang lungsod ang mga residente ng Metro Manila upang pumasok sa trabaho.—sa panulat ni Drew Nacino